Kampanya vs substandard products
Inatasan ni Pangulong Arroyo ang Bureau of Product Standards sa ilalim ng Department of Trade and Industry na ipagpatuloy ang mahigpit na monitoring nito laban sa paglipana ng mga depektibong produkto sa pamilihan nang sa gayon ay maprotektahan ang mga mamimili mula sa hindi ligtas na mga paninda.
“I want DTI to ensure that establishments violating DTI-BPS regulations should face the appropriate sanctions,” babala ng Pangulo.
Sa report ni DTI-BPS Jesus L. Motoomull, sa 375 establishments na namonitor sa buong bansa, 45% o 167 dito ang napatunayang lumabag sa batas, 350,000 piraso ng substandard goods na nagkakahalaga ng mahigit P41.6 million at kabuuang P2,186,125 ang nakolekta bilang multa sa mga violators.
Noong 2007, sinuyod ng DTI-BPS ang mga pamilihan sa bansa at partikular na siniyasat ang tinuturing na mga critical consumer products gaya ng LPG cylinders, steel bars, wire nails, plywood, lamps and related equipment, wiring devices, automotive batteries, pneumatic tires, electrical household appliances, Christmas lights, lighters, flat glass, GI wires at GI sheets.
Ang DTI-BPS, sa pamamagitan ng Product Certification Scheme nito ang namamahala sa sale ng critical consumer products na lubhang nakakaapekto sa buhay ng tao, ari-arian at kalusugan gaya ng electrical at electronic devices, home appliances, building and construction materials, chemical at consumer products.
Lahat ng manufacturers at importers ng mga products ay kailangang mag-aplay para sa Philippine Standards (PS) License at Import Commodity Clearance (ICC) certificate at ipasuri ang kanilang mga produkto bago ito ibenta at ikalat sa pamilihan. Tanging mga manufacturers at importers na ang produkto ay pumasa ang bibigyan ng PS License at ICC at awtorisado na maglagay ng PS o ICC mark sa kanilang mga paninda.
- Latest
- Trending