Kamara hi-tech na

Lagot na ang mga kongresista na mahilig umabsent o tumakas sa gitna ng sesyon da­hil sa P15-M computer system na naka­tak­dang ikabit sa Kamara.

Sa pamamagitan ng multi-million monitor ay mababantayan na ang attendance at botohan ng mga kongresista. Sa naturang sistema, bawat solon ay lalag­yan ng sariling control panel kung saan ii-scan lang ng mga ito ang kani­lang daliri para mapabilang sa pres­ent.

Sa botohan na­man, pipindot sila ng yes, no o abstain para naman malaman kung sinong kongresista ang wala sa plenaryo.

Tiniyak ni House Speaker Jose de Vene­cia na matatapos ang pagkakabit ng monitor sa pagbubukas ng ses­yon sa darating na Lunes. (Butch Que­jada)

Show comments