Kamara hi-tech na
Lagot na ang mga kongresista na mahilig umabsent o tumakas sa gitna ng sesyon dahil sa P15-M computer system na nakatakdang ikabit sa Kamara.
Sa pamamagitan ng multi-million monitor ay mababantayan na ang attendance at botohan ng mga kongresista. Sa naturang sistema, bawat solon ay lalagyan ng sariling control panel kung saan ii-scan lang ng mga ito ang kanilang daliri para mapabilang sa present.
Sa botohan naman, pipindot sila ng yes, no o abstain para naman malaman kung sinong kongresista ang wala sa plenaryo.
Tiniyak ni House Speaker Jose de Venecia na matatapos ang pagkakabit ng monitor sa pagbubukas ng sesyon sa darating na Lunes. (Butch Quejada)
- Latest
- Trending