^

Bansa

Demanda sa pustahan inabot ng 13 years bago nadesisyunan

-

Nagpalabas na kaha­pon ng desisyon ang Korte Suprema kaugnay sa kaso ng estafa na nag-ugat sa pustahan ng isang restaurant owner at isang congressional consultant hing­gil sa kung mananalo si Bongbong Marcos bilang senador noong 1995 elections.

Sa anim na pahinang desisyon ng SC 1st division sa panulat ni Justice Ange­lina Sandoval Gu­tierrez, idineklara ng korte na “guilty beyond reasonable doubt” ang consultant ni Congressman Antonio Cuenco na si Roland Velo­so sa kasong estafa na isinampa ng may-ari ng Shangri-la Finest Chinese Cuisine na si Ramon Sy Hunliong.

Batay sa pustahan ng dalawa, kapag nanalo si Bongbong bilang senador ay magpapakain si Veloso para sa 10 tao habang si Ramon Sy naman ang mag­lilibre sa mga ito kung matatalo ang naturang kandidato.

Natalo sa pustahan ang nabanggit na restaurant owner kaya nagpa­handa ito ng isang lamesa para sa 10 katao gaya nang napag-usapan nila ni Veloso.

Subalit, nang nasa restaurant na ang grupo ni Veloso ay nagpadagdag pa ito ng apat na lamesa. Nang sinisingil na ito ng halagang P11,391 para sa karagdagang lamesa ay tumanggi ito at iginiit na bisita lamang siya ng may-ari ng nasabing restaurant.

Umabot ang singilan hanggang sa QC Metropolitan Trial Court na nagde­ sisyon pabor sa restaurant subalit sa halip na magba­yad kaagad ay umapela si Veloso sa QC RTC, Court of Appeals, hanggang sa Korte Su­prema kaya uma­bot ang kaso ng halos 13 taon.

Nagkakaisa naman ang mga nasabing korte sa kanilang desisyon na dapat bayaran ni Veloso ang si­nisingil na halaga ng restaurant kasama ng ta­unang interes nito mula noong 1995 at pinag­ba­bayad rin ng P10,000 attorneys fee. (Gemma Amargo-Garcia)

BONGBONG MARCOS

CONGRESSMAN ANTONIO CUENCO

COURT OF APPEALS

FINEST CHINESE CUISINE

GEMMA AMARGO-GARCIA

JUSTICE ANGE

SHY

VELOSO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with