^

Bansa

OFW na namatay sa bombing iniuwi sa Mountain Province

-

Iniuwi na sa kani­yang bayan  sa Mountain Province nitong Lunes ng madaling araw ang bangkay ng Overseas Filipino Work­er na namatay sa isang suicide bombing sa Kabul, Afghanistan noong unang bahagi ng buwang kasaluku­yan.

Ang bangkay ni Zen­nia Agui­lan, 31, ay na­unang dinala nitong Linggo sa Baguio City matapos itong duma­ting sa Ninoy Aquino International Airport noong Sabado ng  gabi.

Batay sa report ang labi ng nasabing OFW ay dinala sa Sagada, Mountain Province.

Si Aguilan, nagta­pos ng kursong Physical Therapy sa San Carlos City, Panga­sinan ay dumating sa Kabul, Afghanistan noong Hulyo ng naka­lipas na taon kung saan nagtrabaho ito bilang Supervisor sa SPA Resources International. Kabilang si Agui­lan sa pito kataong nasawi sa suicide bombing noong Enero 14 ng taong ito sa Se­rena Hotel sa Kabul. (Joy Cantos)

AGUI

JOY CANTOS

KABUL

MOUNTAIN PROVINCE

OVERSEAS FILIPINO WORK

PLACE

PLACENAME

PLACETYPE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with