Media nagpasaklolo sa SC
Nagpasaklolo kahapon sa Korte Suprema ang ilang mamamahayag ng ABS-CBN upang ideklarang illegal ang pagkaaresto sa kanila habang nasa kalagitnaan ng coverage sa Manila Peninsula siege noong Nobyembre ng nakaraang taon at upang hindi na maulit ang pag-aresto sa kanila sakaling mangyari ulit ang ganitong insidente sa hinaharap.
Base sa 35 pahinang writ of amparo and writ of prohibition, hiniling ng ABS-CBN reporter na sina Ces Oreña-Drilon at Noel Alamar na bigyan sila ng proteksyon ng Supreme Court upang mapigilan ang gobyerno na muli pang maulit ang nasabing insidente sa mga susunod na panahon.
Iginiit ng petitioners na ang kanilang pagkaaresto noong Nobyembre 29 ay hindi lamang paglabag sa kanilang karapatan at kalayaan kundi maging ng kanilang seguridad at kalayaan sa pamamahayag at makapagbigay ng impormasyon sa publiko.
Kabilang naman sa mga respondents sa nasabing petition sina Department of Interior and Local Government Secretary Ronaldo Puno, Justice Secretary Raul Gonzalez, Philippine National Police Chief Director General Avelino Razon, PNP-National Capital Regional Chief Geary Barias, Police Chief Supt. Asher Dolina at ilang John Does.
Hinihikayat din ng mga petitioner ang Korte Suprema na mag isyu ng permanent protection na nag aatas sa mga nabanggit na opisyal na huwag silang kasuhan at huwag ipa tupad ang warrantless arrests.
Nilinaw pa ng mga petitioners na illegal ang pag-aresto sa kanila dahilan sa wala namang basihan para sa warrantless arrests at wala naman silang nagawa o nagtangkang gawin sa harapan ng isang arresting officer.
Handa naman ang PNP na harapin ang ‘writ of amparo‘ petition.
Sinabi ni PNP Chief Director General Avelino Razon Jr., nirerespeto nila ang hakbang ng isang grupo ng media sa pagsasampa ng nasabing ‘writ of amparo’ dahil karapatan nila ito.
Nabatid na naghain ng 35 pahinang petisyon para sa ‘writ of amparo’ ang grupo nina Drilon at
Gayunman, sinabi ni Razon na dapat mag sitigil na sa katatalak o pagbibigay ng negatibong reaksyon sina Drilon at Tordesillas dahilan walang tinutukoy ang PNP na isa sa kanilang dalawa ang sabit sa pagpapatakas sa puganteng si Marine Captain Nicanor Faeldon sa kainitan ng Manila Peninsula siege.
“Hindi na kailangang mag-deny ni Ellen o Ces dahil alam nila sa kaibuturan ng kanilang puso na hindi sila yun,” pahayag ni Razon sa press briefing sa
- Latest
- Trending