^

Bansa

Pista ng Tondo i-celebrate kahit walang inuman – Lim

-

Hinimok ni Manila Mayor Alfredo S. Lim ang mga residente ng Tondo na idaos ng ma­saya subalit mapayapa ang pagdiriwang ng Kapis­tahan ng Poong Sto. Nino kahit walang ‘inuman’.

Maari umano ito kung sa halip na ipambili ng alak ay sa ibang im­por­tanteng bagay tulad ng pagkain at karagda­gang handa sa hapag-kainan at ibaling sa kan­tahan sa videoke sa ha­lip na sa baso ng alak.

Nais ng alkalde na maputol na ang taunang mga kaso ng patayan sa araw ng Pista na nag-uugat lamang umano sa walang kwentang biruan at away sa tuwing mga lasing na.

Gayunman, sakaling hindi maiiwasan ang pag-inom, dapat ay alam na ng bawat isa ang kanilang limitasyon. Kung hindi na umano kaya ang sobrang alak ay napupunta na sa ulo ang epekto nito.

Sana po ay sa tiyan natin ilagay ang alak at huwag sa ulo. Mas ma­ganda pa  nga kung ‘wag na po tayong umi­nom ng alak,” anang al­kalde.

Kaugnay nito, tiniyak ni Lim na may karag­dagang mobile police sa isang ‘chaos prone area’ upang agad na ma­aresto ang mga pasa­way at hindi na mag­bunga pa ng rambulan.

Si Lim ay lumaki sa Tondo at kasalukuyan pa ring residente ng Tondo. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

GAYUNMAN

HINIMOK

LUDY BERMUDO

MANILA MAYOR ALFREDO S

POONG STO

SHY

SI LIM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with