^

Bansa

‘Wag makinig sa sabi-sabi

-

Hindi umano dapat na makinig na lamang ang pamahalaan sa mga sabi-sabi tulad ng intelligence reports na may panibagong banta ng destabilisasyon kundi mas dapat na alamin nito ang dahilan kung bakit may banta at kung totoo na may pag-aal­buruto ang ating mga sundalo.

Ito ang naging pa­hayag kahapon ni Ca­loocan Bishop Deogra­cias Iniguez, sa pana­yam sa isang istasyon ng radyo kaugnay sa balitang mag-aalsa muli ang mga sundalo upang pabagsakin ang admi­nistrasyong Arroyo.

Hinimok din ng Arso­bispo ang publiko na kailangang mapag­ma­tyag at suriin ang tunay na dahilan nang balita na may paniba­gong destabilisasyon.

Paliwanag niya, da­pat na magsuri ding ma­buti ang bawat isa upang maliwanagan ang mga tunay na nangyayari sa bansa at hindi mag­padala na lamang sa mga espekulasyon.

Wala namang naging komento si Iniguez sa isyu na ang banta ay pakana ng gobyerno upang mapalawig ang termino ni AFP Chief Hermogenes Esperon at makapagdeklara ng martial law.

Aniya, hindi dapat dumepende ang sinu­man sa mga bali-balita lamang kundi mag-isip at magmatyag.

Una nang naungkat na may planong desta­bilisasyon sa darating na Enero 22 o Mendiola massacre anniversary nang sabihin ni Justice Secretary Raul Gonza­lez na kaya lamang siya nagpalabas ng media advisory ay dahil sa posibleng destabili­sas­yong niluluto.  (Ludy Bermudo)

vuukle comment

ANIYA

BISHOP DEOGRA

INIGUEZ

JUSTICE SECRETARY RAUL GONZA

LUDY BERMUDO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with