Protesta ni Loren vs Noli ibinasura ng SC

Ibinasura kahapon ng Supreme Court (SC) ang inihaing election protest ni Sen. Loren Legarda laban kay Vice President Noli De Cas­tro, kaugnay sa kinuku­westiyong resulta ng Vice-Presidential race noong 2004.

Base sa desisyon ng PET sa panulat ni Senior Justice Leonardo Qui­sumbing, bigo si Legar­da na patunayan ang igi­nigiit nitong peke ang mga election returns na gina­mit sa pag-canvass ng mga boto sa Pam­panga, Lanao del Sur, at Cebu.

Ang resulta ng bila­ngan sa mga nasabing lalawigan ang kinuwes­tyon ni Le­garda at hini­ling na ma­kapagsagawa ng re-count sa mga ba­lota rito.

Sinabi ng SC na wala ring matibay na ebi­den­ syang magpapatu­nay na nagkaroon ng break-in noon sa Kamara kung saan pansamantalang nakatago ang mga ballot boxes na naglalaman ng mga balota, at napalitan ang mga ito.

Bukod dito, maitutu­ring na inabandona na ni Legarda ang kaniyang election protest laban kay de Castro nang siya ay kumandidato sa Se­nado.

Sinabi naman ni Atty. Midas Marquez, taga­pagsalita ng SC, may­roon pa naman 10 araw ang kampo ni Legarda para maghain ng motion for reconsideration.

Matatandaan na nag­hain ng reklamo si Le­garda sa mga naging resulta ng election sa Pampanga, Lanao del Sur at Cebu para isa­gawa ang pagbibilang muli ng balota ng Vice Presidential votes noong May 2004.

Nagbayad pa ng mil­yong pisong halaga si Legarda para maisa­gawa lamang ang recount sa mga lugar na sinasabing nagkaroon ng talamak na dayaan. (Gemma Amar­go-Gar­cia)

Show comments