Protesta ni Loren vs Noli ibinasura ng SC
Ibinasura kahapon ng Supreme Court (SC) ang inihaing election protest ni Sen. Loren Legarda laban kay Vice President Noli De Castro, kaugnay sa kinukuwestiyong resulta ng Vice-Presidential race noong 2004.
Base sa desisyon ng PET sa panulat ni Senior Justice Leonardo Quisumbing, bigo si Legarda na patunayan ang iginigiit nitong peke ang mga election returns na ginamit sa pag-canvass ng mga boto sa Pampanga, Lanao del Sur, at
Ang resulta ng bilangan sa mga nasabing lalawigan ang kinuwestyon ni Legarda at hiniling na makapagsagawa ng re-count sa mga balota rito.
Sinabi ng SC na wala ring matibay na ebiden syang magpapatunay na nagkaroon ng break-in
Bukod dito, maituturing na inabandona na ni Legarda ang kaniyang election protest laban kay de Castro nang siya ay kumandidato sa Senado.
Sinabi naman ni Atty. Midas Marquez, tagapagsalita ng SC, mayroon pa naman 10 araw ang kampo ni Legarda para maghain ng motion for reconsideration.
Matatandaan na naghain ng reklamo si Legarda sa mga naging resulta ng election sa Pampanga, Lanao del Sur at
Nagbayad pa ng milyong pisong halaga si Legarda para maisagawa lamang ang recount sa mga lugar na sinasabing nagkaroon ng talamak na dayaan. (Gemma Amargo-Garcia)
- Latest
- Trending