^

Bansa

Panawagan ng Greenpeace: JPEPA ‘wag ipasa!

-

Mariing kinondena ng environmentalist group na Greenpeace ang plano ng pamahalaan partikular ng Senado na maratipikahan ang Japan-Philippines Economic Partnership Agreement (JPEPA) sa bansa.

Ayon kay Greenpeace Southeast Asia Toxics Campaigner Beau Bacon­guis, hindi dapat payagan ng sambayanang Pilipino na maaprubahan ang JPEPA dahil magiging ta­punan lamang ng basura ng Japan ang Pilipinas.

Ang hakbang ay gi­nawa ng naturang grupo nang sabihin ni Sen. Mar Roxas, chairman ng Senate Committee on Trade and Commerce na siya ay isa sa nagtataguyod para sa ratipikasyon ng JPEPA. 

“It would be a mistake for the Senate to ratify the JPEPA. Senator Roxas himself admits that ‘there is not much gain that is inherent in the treaty.’ The toxic waste provisions in the JPEPA, in contrast, are inherent in the treaty. In short, benefits remain to be seen, but the toxic threats it presents are real and cannot be ignored by the Senate,” ayon pa kay Baconguis.

Tinagurian pa ng na­turang grupo ang JPEPA na isang rotten treaty kaya dapat na isnabin ng Se­nado ang kasunduang ito at bagkus ay ratipikahan ang Basel Ban Amendment na magbibigay proteksiyon sa bansa mula sa pagpa­sok ng lahat ng uri ng hazardous waste trade.

Habang ang JPEPA ay walang magandang bene­pisyo sa bansa, ilan sa probisyon pa nito ay nag­bubukas sa Pilipinas sa shipments ng mga toxic and nuclear wastes ka­sama na ang mga nagamit na diapers, incinerator ash, at radioactive nuclear waste.

Una nang nagpakita ng mga ebidensiya ang Green­peace noong naka­raang taon na nagpapakita na ang Japan ay agresi­bong matuloy ang  trade agreements sa mga ban­sang Asya tulad ng Pili­pinas.

Japan already exports goods to the Philippines, which, although not declared as waste, are highly toxic and are illegal under the Basel Ban Amendment. These wastes are disguised as recyclables but eventually end up in our dump sites, contaminating our groundwater, air and soil. The JPEPA will open the floodgates to even more of this underhanded trade,” pa­liwanag ni Baconguis.

Sinabi pa nitong dapat isaisip ng Senado parti­kular ni Roxas na unahin ang kapakanan ng taum­bayan at protektahan ang kalusugan ng mamama­yan sa pamamagitan ng pagtanggi na maratipi­kahan ang JPEPA. 

Nauna nang ipina­ha­yag ng ilang senador na posibleng maratipikahan ang JPEPA dahil malaki ang mawawala sa Pilipinas kung hindi ito mapagtitibay. (Angie dela Cruz/Malou Escudero)

BASEL BAN AMENDMENT

COUNTRY

JPEPA

PILIPINAS

PLACE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with