^

Bansa

2 hinuli sa destab inabswelto ng DOJ

-

Ibinasura ng Department of Justice (DOJ) ang reklamong illegal possession of firearms na isinampa kahapon ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) laban sa dalawa sa limang naarestong dating miyembro ng scout ranger na umano’y may kinalaman sa bantang destabilisasyon.

Ayon kay State Prosecutor Mederlyn Mangalindan, Chairman ng panel of prosecutors na humawak sa kaso, walang sapat na basehan para isulong ang kaso laban kina Sgt. Orlando Valencia at Cpl. Ramon Peraña.

Sa resolusyon ng panel na inaprubahan ni Chief State Prosecutor Jovencito Zuno, napatunayan na wala na­mang armas na nasabat mula sa dalawa, at tanging sina Kim Agas, Walter Francisco at Redante Maranan ang naku­ hanan ng matataas na kalibre ng baril nang sila ay dakpin.

Sinabi ni Mangalindan na patunay dito ang tatatlo lamang na armas na naiprisinta ng CIDG sa DOJ sa isinagawang inquest kamakalawa.

Itutuloy naman ang pagsa­sailalim sa preliminary investigation laban sa tatlo sa Jan. 23. (Gemma Amargo-Garcia)

CHIEF STATE PROSECUTOR JOVENCITO ZUNO

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DEPARTMENT OF JUSTICE

GEMMA AMARGO-GARCIA

KIM AGAS

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

RAMON PERA

REDANTE MARANAN

STATE PROSECUTOR MEDERLYN MANGALINDAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with