^

Bansa

Malacañang guwardiyado

-

Inilagay sa red alert status ng Presidential Security Group (PSG) ang seguridad sa Malacanang complex.

Sinabi ni PSG chief B/Gen. Romeo Prestoza, hi­nigpitan ang seguridad sa Palasyo matapos mapa­ulat na may panibagong tangkang destabilisasyon na ilulunsad sa Enero 22 na anibersaryo ng Men­diola massacre.

Ayon kay Gen. Pres­toza, normal lamang na­mang itaas nila ang alert status sa Malacanang matapos mapaulat na may panibagong pagta­tangkang destabilisasyon lalo pa’t aalis si Pangu­long Arroyo sa susunod na linggo upang dumalo sa World Economic Forum sa Switzerland.

Naghahanda na rin ang Philippine National Police (PNP) sa pagla­latag ng mahigpit na se­guridad sa Metro Manila kaugnay sa napipintong kilos-protesta ng mga magsasaka sa Enero 22 upang gunitain ang Men­diola massacre.  (Rudy Andal)

AYON

ENERO

INILAGAY

MALACANANG

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PRESIDENTIAL SECURITY GROUP

ROMEO PRESTOZA

RUDY ANDAL

SHY

WORLD ECONOMIC FORUM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with