Pinay patay sa suicide bombing sa Afghanistan

Namatay din ang isang Pinay na sugatan sa suicide bombing sa isang hotel sa Kabul, Afghanistan noong Lunes.

Ito ang kinumpirma kahapon ni DFA spokes­man Claro Cris­tobal ba­ gaman tu­mang­gi mu­nang tukuyin ang panga­lan ng bik­timay dahil kailangang impor­mahan muna ang pa­milya nito.

Sinabi ni Cristobal na dakong alas-10 ng uma­ ga kahapon ng mamatay ang nasabing Pinay na sinasabing supervisor sa isang spa sa Serena Hotel sa Kabul doon.

Ayon kay Cristobal, nasa kritikal ng kon­disyon ang biktima nang isugod ito sa ISAF Military Hospital sa Kabul matapos hagisan ng granada at mag­paulan ng putok ng AK -47 rifles sa Serena Hotel ang mga suicide bombers habang nag­pupulong ang mga opisyal ng Norwegian Embassy sa naturang hotel.

Anim katao ang agad nasawi kabilang ang isang US citizen at isang 39-anyos na Norwegian reporter na si Carsten Thomassen.

Inatasan na ni DFA Secretary Alberto Ro­mulo ang Embahada ng Pilipinas sa Isla­mabad na magpadala ng consular team upang mapabilis ang pagpapauwi sa bansa ng labi ng nasawing Pinay. (Joy Cantos)

Show comments