^

Bansa

Erap ‘pa-cute’ lang

- Ni Rudy Andal -

Maaari umanong “nagpapa-cute” la­mang sa kanyang mga tagasuporta si dating pangulong Joseph Es­trada nang sabihin ni­tong pipiliin niya ang kan­yang sarili upang ma­ging kandidato ng opo­sisyon sa darating na 2010 presidential elections. 

Ayon kay Executive Secretary Eduardo Er­mita, desisyon ni Erap na piliin ang kanyang sa­­rili na maging kan­didato ng oposisyon sa 2010 dahil sa pani­ni­wala nitong walang winnable sa hanay ng oposisyon.

Sinabi ni Sec. Er­mita, malinaw ang na­kasaad sa ating Sali­gang Batas na hindi maaaring tumakbo ng reelection ang isang nahalal ng pangulo ng bansa.

“Hindi naman pu­wedeng tumakbo si Erap, pero pabayaan na lang natin ang kan­yang diskarte. Siguro gusto lang niyang ibalik ang lakas niya sa masa,” sabi ni Ermita.

Aniya, kahit naka­saad sa ibinigay na pardon ni Pangulong Arroyo na muling ma­babawi ni Erap ang kanyang karapatang bumoto ay malinaw naman sa Konsti­tus­yon na hindi puwede ang reelection ng na­halal nang pangulo. 

Naniniwala si Es­trada na puwede pa siyang kaumandidato muling pangulo dahil hindi naman daw niya natapos ang kanyang 6-taong termino.

Samantala, sinabi naman ni San Juan Mayor JV Ejercito na hindi nila isinasantabi ang muling pagtakbo ng kanyang ama bilang pangulo sa darating na 2010 elections.

Ayon kay Mayor Ejercito, ayaw na ka­sing mangyaring muli ni Erap ang hindi pag­kakaisa ng oposisyon noong 2004 elections.

“President Estrada wants a single opposition candidate in the coming 2010 presidential elections. May father (Erap) will run if the opposition fails to agree on a standard-bearer,” dagdag pa ni Ejercito.

AYON

EJERCITO

ERAP

EXECUTIVE SECRETARY EDUARDO ER

JOSEPH ES

MAYOR EJERCITO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with