^

Bansa

RP-US war games kasado na sa Pebrero

-

Aarangkada na sa darating na Pebrero ang panibagong RP-US Balikatan joint military exercises bilang bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa terorismo. 

Ayon kay US Embassy Spokesman Re­becca Thompson, in­teresado ang pamaha­laan ng Amerika sa idaraos na Balikatan exercises sa bansa.

“ Definitely, we are looking forward to another rounds of Bali­katan exercises in terms of interopera­bility and defense building measures,” ani Thompson. 

Sinabi ni AFP-Western Command Public information Officer Major Eugene Batara na sa darating na Pebrero 18 uumpisahan ang panibagong RP-US war games sa Western Mindanao na tatagal ng 15 araw at sesentro sa humanitarian mission.

Hindi lamang sa la­lawigan ng Sulu mag­kakaroon ng mga me­dical and dental mission kundi maging sa Basilan at Tawi-tawi.

Nilinaw ni Batara na may nakapaloob na anti-terror training sa naturang pagsasanay.

Sa pagbisita naman ni US Ambassador to the Philippines Kristie Kenny, tiniyak nitong sa susunod na linggo ay magsisimulang du­ma­ ting ang mga sun­da­long Amerikano na lalahok sa nasabing war games. (Joy Cantos)

vuukle comment

BALIKATAN

EMBASSY SPOKESMAN RE

JOY CANTOS

OFFICER MAJOR EUGENE BATARA

PEBRERO

PHILIPPINES KRISTIE KENNY

SHY

WESTERN COMMAND PUBLIC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with