Federal-presidential system isusulong
Balak isulong ni Senate Minority Leader Aquilino Pimentel Jr. ang pagpapalit ng porma ng gobyerno upang maging federal-presidential system.
Ayon kay Pimentel, isang joint congressional resolution ang ihahain niya sa pagbabalik ng sesyon ng Senado upang maging federal ang buong bansa kabilang na ang Bangsa Moro federal state.
Naniniwala ang senador na papabor ang lahat ng mga taga-Mindanao sa Bangsa Moro federal state kung saan magkakaroon sila ng autonomy.
Ipinaliwanag ng senador na sa ilalim ng federal system, ang masyadong konsentrasyon ng kapangyarihan sa central government ay maiiwasan at malilipat ito sa mga federal states.
Ayon kay Pimentel, masyado nang napag-iiwanan sa pag-unlad ang mga malalayong probinsiya dahil mas napagtutuunan ng pansin ang mga siyudad sa Metro
Pero nilinaw nito na sakaling magtagumpay ang pagsusulong niya ng federal-presidential system, tuloy pa rin ang eleksiyon sa 2010 dahil hindi naman iaabolish ang presidency. (Malou Escudero)
- Latest
- Trending