^

Bansa

Central, Southern Luzon, inalerto sa flashfloods

-

Itinaas na kahapon ng National Disaster Coordinating Council (NDCC) ang flood /landslide alert sa Central at Southern Luzon na ngayon ay binabayo ng mga pag-ulan.

Base sa report ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), sinabi ni NDCC Executive Director Glenn Ra­bonza, partikular na nanganganib sa pag­daloy ng mudflows galing sa Mayon Volcano ang mga nani­nirahan sa Bicol Region matapos na mamataan ang low pressure area sa bisinidad ng Sibuyan Sea malapit sa Rom­blon.

Partikular na inalerto ang mga residente ng Bicol dahil ang Bicol River Basin ay patuloy na dumadanas ng mga pag-uulan gayundin ang Cagayan Valley na patuloy na makaka­ranas ng pag-uulan hanggang araw ng Lunes.

Samantala ang iba pang lugar sa Luzon kasama na ang Metro Manila ay patuloy ding makakaranas ng pag-uulan dahil din sa low pressure area. (Angie dela Cruz)

BICOL REGION

BICOL RIVER BASIN

CAGAYAN VALLEY

EXECUTIVE DIRECTOR GLENN RA

MAYON VOLCANO

METRO MANILA

NATIONAL DISASTER COORDINATING COUNCIL

PHILIPPINE ATMOSPHERIC GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRATION

SIBUYAN SEA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with