^

Bansa

Bawas-taripa inutos ni GMA

- Ni Rudy Andal -

Iniutos kahapon ni Pangulong Arroyo na ibaba ang taripa sa la­ngis at mga produktong pe­trolyo bilang tugon ng pamahalaan sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Sinabi ni Pangulong Arroyo, isang executive order ang ilalabas sa araw na ito upang ibaba ang taripa sa langis ng 1 porsyento.

“Ibababa natin ang taripa sa langis at mga pro­duktong petrolyo. Hihilingin natin sa mga kumpanya ng langis na gamitin ang bawas upang ibaba ang presyo ng diesel,” paliwa­nag pa ni PGMA.

Wika pa ni Mrs. Arroyo sa kanyang media briefing sa Palasyo, hihi­lingin naman ng gob­yerno sa mga oil companies na ibaba nila ang presyo ng diesel bilang tugon sa ibinabang ta­ripa.

Idinagdag pa ng Pa­ngulo, mas minabuti ng gobyerno na ibaba ang babayarang taripa para sa langis at mga produk­tong petrolyo kaysa mag­karoon ng “spiral effect” ang pagtaas ng presyo ng langis sa presyo ng bilihin at iba pang pa­nganga­ilangan ng ma­mamayan.

Ipinaliwanag naman ni Finance Secretary Mar­garito Teves, tinataya nilang aabot sa P11 bil­ yon ang magiging windfall ng gobyerno dahil sa pag­babawas ng tariff sa langis at produktong petrolyo at ibinalik nila ito sa mga oil companies.

Aabot sa 23 centavos ang mababawas sa baba­yarang taripa para sa langis at aabot naman sa 50 centavos ang maba­bawas sa baba­yarang tariff sa diesel. 

Subalit sa sandaling bumalik sa dating presyo ang langis at produktong pe­trolyo sa pinaka-mababa nitong presyo ay ibabalik muli sa 3 percent ang sisingiling taripa dito.

AABOT

FINANCE SECRETARY MAR

LANGIS

MRS. ARROYO

PANGULONG ARROYO

PRESYO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with