^

Bansa

Jinggoy kinotongan, ginutom sa MMFF

-

Kahit nanalong best actor, masamang-ma­sama ang loob ni Sen. Jose “Jinggoy” Estrada sa katatapos na Metro Manila Film Festival dahil pa­ kiramdam niya’y na­baboy siya at nako­tongan pa ka­sama ang ibang  dumalo sa festival.

Sa isang pulong bali­taan sa Senado, sinabi ni Estrada na nagutom siya at ang iba pang bisita na dumalo sa MMFF.

Sinabi ni Estrada na  bukod sa binalewala ang integridad ng industriya, ginamit lamang ito ni Metro Manila Development Authority Chairman Bayani Fernando.

“Pinagkakitaan na kami, ginutom pa.” ani Es­­tra­da.

Inireklamo ni Jinggoy ang ginawang paggamit umano ni Bayani sa awards night bilang front act ng kon­siyerto ni Lani Misalucha.

“Amin ang gabing iyon. Pero, hindi nangyari iyon dahil ginamit lamang kaming front act ng concert ni Lani Misalucha na walang ibang makikina­bang sa tig-P30,000 kada tiket kundi ang MMDA mis­mo,” giit ni Estrada.

Pinakamagulo ani­ya ang pinakahuling awards night na hinawakan ni Fernando dahil bukod sa bulok ang siste­mang ipi­naiiral, ginu­tom ang halos lahat ng kalahok.

“Dati, walang bayad ang Award Night para makapanood ang pang­karaniwang mamama­yan, pero sinung pobre ang bi­bili ng tig-P10,000 ha­laga ng tiket, pinaka­ma­baba, P500, sino ang bibili noon,” ani Jinggoy.

Bagaman at mayroon aniyang cocktail, hindi rin sila nakapasok upang makakain dahil P5,000 la­mang ang nakuha niyang ticket at ang mga puwede lamang kumain ay ang mga bisitang P10,000 ang biniling ticket.

“Ni hindi binanggit ang mga nominado na siyang pangunahing sangkap sa awards night. At iyong minor awards tulad ng Best Sound at Best Editing, at iba pa, iniabot la­mang ang tropeo,” pali­wanag pa ni Estrada.

Balak ni Estrada na maghain ng panukala sa Senado upang alisin sa pamamahala ng MMDA ang Film Festival at ibalik sa kuwalipikadong institu­siyon tulad ng Mowel Fund o Film Academy of the Philippines.

Ayon pa kay Estrada, naging kaawa-awa din si Lani Misalucha dahil pagkatapos ng bigayan ng tropeo, biglang na­wala ang tao, at walang nanood sa concert nito.

Pero nilinaw din ni Jinggoy na wala na­mang kuwestyon o pro­blema sa mga nakamit na awards ng bawat isang artista at peli­kulang kalahok sa MMFF subalit aniya ang sistemang ginawa ni Fernando ang hindi na­ging katanggap-tang­gap. (Malou Escudero)

AWARD NIGHT

BEST EDITING

BEST SOUND

JINGGOY

LANI MISALUCHA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with