^

Bansa

Piston nagbabala vs oil price hike

-

Nagbabala ang militanteng Pinagkaisang Sama­han ng mga Tsuper at Operators Nationwide (Piston) ng panibagong kilos-protesta nila kasama ang iba pang transport groups sa oras na muling magtaas ang mga kumpanya ng langis sa presyo ng kanilang produkto ngayong taon.

Ito’y matapos na umakyat na sa US$100 ang presyo ng bawat bariles ng krudo sa internasyunal na merkado. 

Sinabi ni Piston secretary general George San Mateo na ang dahilan ng pag-akyat ng halaga ng krudo ay dahil lamang sa espekulasyon at hindi talaga sa kakulangan ng suplay nito sa kasalukuyan.

Inaasahan na ng Piston na magsasagawa na naman umano ng linggo-linggong pagtataas sa halaga ng langis ang mga kumpanya ng langis. 

Ipinaliwanag ni San Mateo na ang New York Mercantile Index Price ay ginawa lamang ang pagtaas sa espekulasyon sa takbo ng merkado upang magamit sa monopolya ng presyo ngunit hindi naman umano ito ginagamit sa Pilipinas.

Iginiit nito na ang Dubai crude oil ay nasa $83 kada bariles at ang diesel ay nasa $105 pa ang halaga habang patuloy naman ang pagtaas ng halaga ng piso laban sa dolyar kaya walang dahilan ang mga kumpanya ng langis na magtaas ng presyo. (Danilo Garcia)

DANILO GARCIA

DUBAI

GEORGE SAN MATEO

NEW YORK MERCANTILE INDEX PRICE

OPERATORS NATIONWIDE

PINAGKAISANG SAMA

SAN MATEO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with