^

Bansa

Sen. Angara inambus

- Joy Cantos, Rudy Andal -

Pinaulanan ng bala ng mga hinihinalang New People’s Army (NPA) ang convoy ni Sen. Edgardo Angara kahapon sa Di­na­lu­ngan, Aurora.

“Senator Angara was safe, advance party from the Army forces na nagse-secure dun sa route yung pinaulanan ng bala ng mga rebelde,” pahayag ni AFP-Northern Luzon Com­mand Chief Lt. Gen. Rodrigo Maclang sa isang phone interview.

Naganap ang insi­dente sa bisinidad ng Brgy. Nipoo, Dinalu­ngan bandang ala-una ng ha­pon. Habang nag­sasa­gawa ng route security sa daraanan ng convoy ni Angara ay pinaulanan ng bala ng hindi pa mabilang na armadong mga rebel­de ang tropa nito.

Mabilis namang gu­manti ng putok ang mga sundalo hang­gang sa tuluyang ma­itaboy ang umatakeng mga rebelde. Sinabi ng opis­yal na ang nasu­gatang sundalo ay driver ng isang Army truck na nabasag ang windshield matapos paulanan ng bala ng mga rebelde ang route security ng sena­dor.

Nagtungo sa lugar si Angara para mag­lunsad ng mga proyek­tong pang-agrikultura na binansa­gang Center for Coconut Production and Research sa kaniyang mga kababa­yan ng ma­ga­nap ang pag-atake.  

Sa naunang interview kay Sen. Angara ay si­nabi nitong wala nang peligro sa kan­yang bu­hay mata­pos ang sina­sabing tang­kang pana­nambang su­balit ban­dang alas-3 ng hapon ng muling ma-interview ang se­nador ay mabilis na itinanggi nito ang pang­yayari.

“That’s complete lie. Ka­lokohan yan. Wa­lang ambush na nang­yari,” wika na­man ni Angara sa pana­yam ng Pilipino Star Ngayon.

Ayon naman kay Aurora police director Sr. Supt. Romeo Teo­pe, mga NPA ang nasa likod ng pananambang.

Bunga ng insidente, sinabi ni Maclang na inabisuhan ng Commanding Officer ng 69th IB si An­gara na huwag ng tu­muloy sanhi ng nangya­ring bak­ bakan sa lugar. Iniutos na­man agad ni Cen­tral Luzon police director Errol Pan na bigyan ng karagdang se­guridad si Angara.

Sa naunang interview pa rin kay Angara, sinabi nitong wala siyang alam na pupu­wedeng suspek at ito umano ang unang pag­ta­tangka sa kanyang buhay.

“But whoever did this, ginagalit lamang nila ang taumbayan,” paliwanag pa ni An­gara. 

Pinaniniwalaan na­mang may mga nasu­ga­ tan rin sa panig ng uma­takeng mga re­belde. 

Naglunsad na ng hot pursuit operations ang militar laban sa mga rebel­ de.

ANGARA

CHIEF LT

COCONUT PRODUCTION AND RESEARCH

PLACE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with