^

Bansa

Piyansa ng mga bilanggo sasagutin ng BJMP

-

Ipapatupad ngayon ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang programang “Bail Now, Work Pay Later” na programa na layong abonohan ng pa­mahalaan ang pampi­yansa ng mga bilanggong sangkot sa “non-henious crimes” at bigyan ng tra­baho upang makabayad kinalaunan.

Ayon kay Sr. Insp. Bartolome Sagadal, hepe ng Inmates Welfare and Development Branch ng BJMP, na layon ng pro­grama na mapaluwag rin ang mala-sardinas na kundisyon ng mga kulu­ngan sa buong bansa at mabigyan ng pag-asa ang mga bilanggo na magba­gong-buhay.

Nabatid na ang mga preso na kabilang sa C-Visa category na kinabi­bilangan ng mga menor-de-edad, walang duma­dalaw, mahihirap, may sakit at mga matatanda na ang mga kuwalipikado sa naturang programa.

Ang mga presong ito na nais makalaya at handa namang magka­roon ng hanapbuhay ay maaaring bigyang pagka­kataon ng “local government units, non-government organizations, religious organizations at ibang institusyon” sa pakikipagkoordinasyon ng BJMP.

Kabilang na sa naghi­hintay na trabaho sa mga preso ang pagiging ka­mineros o “streetsweeper” ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).  Kakaltasin na­man ang kalahati o ika­apat na bahagi ng kani­lang suweldo upang ma­bayaran ang kanilang piyansa.

Sinabi ni Insp. Mi­chelle Bonto-Ng, taga­pag­salita ng BJMP, na layon rin ng programa na tuluyang hindi mapari­wara o mahawa ang mga preso na may magaang kaso lamang sa mga kila­bot na criminal na maka­kasama nila sa selda na maaaring tuluyang mag­lugmok sa kanila sa kri­minalidad.

Sakaling maaproba­han ang isang Memorandum of Agreement sa pagitan ng MMDA at ng BJMP para dito, makiki­nabang ang libong preso na makalabas ng kulu­ngan at mabigyan don ng trabaho. 

Base sa istatistika ng BJMP, tinatayang 11,563 inmates ang kwalipikado sa bail now pay later program. (Danilo Garcia)

vuukle comment

BAIL NOW

BARTOLOME SAGADAL

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

DANILO GARCIA

INMATES WELFARE AND DEVELOPMENT BRANCH

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with