‘Wag umasa sa hula — CBCP

Hindi umano dapat na umasa sa mga hula ang publiko para sa kanilang  kapalaran.  Ito naman ang sinabi ni  Bishop Deogracias Yniguez, pinuno ng  Public Affairs Committee ng CBCP kung saan karamihan sa mga Filipino ay umaasa sa hula upang makita ang kanilang mga kapalaran tuwing Bagong Taon.

Aniya, mas nagiging delikado ang isang Filipino kung pinagbabatayan nito ang desisyon ng manghuhula o feng shui expert dahil nagiging limitado ang pagkilos ng bawat Filipino para sa kanilang sariling kapalaran.

“Ang ating kapalaran ay hawak natin,” sabi ni Yñiguez.

Sinabi ni Yñiguez na kung pagbubutihan lamang ng bawat isa ang pagdadasal walang imposible sa kanilang mga kahilingan at pangarap. (Doris Franche)

Show comments