‘Wag umasa sa hula — CBCP
Hindi umano dapat na umasa sa mga hula ang publiko para sa kanilang kapalaran. Ito naman ang sinabi ni Bishop Deogracias Yniguez, pinuno ng Public Affairs Committee ng CBCP kung saan karamihan sa mga Filipino ay umaasa sa hula upang makita ang kanilang mga kapalaran tuwing Bagong Taon.
Aniya, mas nagiging delikado ang isang Filipino kung pinagbabatayan nito ang desisyon ng manghuhula o feng shui expert dahil nagiging limitado ang pagkilos ng bawat Filipino para sa kanilang sariling kapalaran.
“Ang ating kapalaran ay hawak natin,” sabi ni Yñiguez.
Sinabi ni Yñiguez na kung pagbubutihan lamang ng bawat isa ang pagdadasal walang imposible sa kanilang mga kahilingan at pangarap. (Doris Franche)
- Latest
- Trending