Teorya ng intel official: G-2 blast gawa ng anti-Arroyo group
May posibilidad na ang pagsabog na naganap sa Glorietta 2 sa
Sa teorya ng isang intelligence official na tumangging magpabunyag ng pangalan, ang naunang findings ng mga nagsiyasat sa Glorietta blast na may bakas ng RDX component ng C4 na isang uri ng bombang gamit ng military na nakita ng mga bomb experts sa basement ng Glorietta ay patunay na bomba ang sumabog.
Anang impormante, malamang “ninakaw” ang C4 sa armory ng military.
Dapat aniya na siyasatin ng Philippine National Police at makipagkoordina sa Armed Forces of the Philippines ang pag-imbentaryo kung may nawawalang C4 sa kanilang armory at kung sino itong mga “misguided elements” na may kagagawan sa pagsabog.
Base sa mga naunang report ng pagsabog, agad na sinabi ni PNP Chief Avelino Razon Jr. na isang bomba ang sumabog sa Glorietta 2 na sinegundahan naman ni Pangulong Arroyo.
Subalit dahil sa iba’t ibang komento mula sa hanay ng oposisyon na ang pagsabog ay pakana ng pamahalaan, biglang nabago ang kapulisan at sinabing hindi na bomba ang sumabog kundi gas.
Matagal ng sinasabi ng Ayala Land, ang may-ari ng Glorietta, na hindi pwedeng methane o diesel ang sumabog dahil hindi raw sumasabog ang sariwang dumi ng tao at ang diesel naman ay nasa loob pa ng tangke sa basement.
Kung may gas man, liliyab lang ito pero hindi sasabog at lalo ng hindi kayang gibain ang makakapal na sahig ng semento hanggang sa pangatlong palapag.
Sabi ng intelligence official, importanteng malaman kung ilan ang nawawalang C4 upang makaprepara ang mga awtoridad.
- Latest
- Trending