ITR ng mga opisyal ng gobyerno gustong ipa-dyaryo ng solon

Maghahain si Caga­yan de Oro Rep. Rufus Rodriguez ng isang pa­nukalang batas para ipaalam sa mamamayan ang income tax returns ng lahat ng opisyal ng gob­yerno halal man ito o appointed para lalong pa­lakasin ang kam­ panya laban sa kati­walian.

Sinabi ni Rodriguez, naghain siya ng panu­kalang batas, ang House Bill 3003, para malaman at huwag ng makalusot ang mga taga-gobyerno sa mamamayan hinggil sa isyu ng ill-gotten wealth.

“Malaking bagay ito dahil mabubuko ang mga itinagong yaman ng mga opisyal ng gobyerno sa bansa kung mayroon man,” ani Rodriguez.

Ayon kay Rodriguez, para malaman ng publiko ang income tax returns ng mga taga-gobyerno gusto niyang ipalathala ito sa media para sila ang magpaabot sa taong bayan. Naniniwala siya na magiging tapat ang mga opisyal sa paghahain ng kanilang ITR. (Butch Quejada)

 

Show comments