^

Bansa

Biktima ng paputok tatanggapin sa mga ospital - Lim

-

“Kahit na hindi taga-Maynila, tanggapin ang mga biktima ng paputok!”

Ito naman ang naging kautusan ni Manila Mayor Alfredo Lim sa mga ospital  sa Maynila bunsod na rin ng posibleng pagdagsa ng mga magiging biktima ng paputok habang sinasalubong ang Bagong Taon.

Ayon kay Lim, nagpalabas siya ng mga direktiba sa mga ospital sa ilalim ng city government na asikasuhin ang mga biktima ng paputok dahil buhay na ng isang tao ang nakasalalay dito.

“Pakiusap ko lang sa mga kalungsod natin na iwasan na lang sana ang paggamit ng mga delika­dong paputok para iwas disgrasya,” ani Lim.

Nanawagan din si Lim sa publiko na iwasan ang pagsusunog ng  gulong upang hindi naman maka-pollute pa ng hangin at maiwasan ang anumang  respiratory problems.

Sinabi naman ni Ospital ng Maynila Medical Center (OMMC) Director Dr. Fidel Chua na ang kan­yang mga hospital staff members ay pawang mga nakaalerto at magtatrabaho ng double time hanggang New Years eve. (Doris Franche)

AYON

BAGONG TAON

DORIS FRANCHE

DR. FIDEL CHUA

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

MAYNILA

MAYNILA MEDICAL CENTER

NEW YEARS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with