^

Bansa

Droga sa Bilibid uubusin!

- Rose Tamayo-Tesoro -

Nangako kahapon ang kauupo lamang na bagong hepe ng Bureau of Corrections (BuCor) na si dating PNP chief Oscar Cal­de­ron na la­ lansagin niya ang mga drug ring operators na kumikilos sa loob ng New Bilibid Prisons (NBP) ng Mun­­tinlupa City.

Sinabi pa ni Cal­de­ron na sa kanyang pa­nunungkulan ay ma­hig­pit niyang ipa­pa­tupad ang pagsa­wata sa talamak na benta­han at pagpu­puslit ng droga sa loob ng na­sabing pam­bansang piitan.

Kaugnay nito, ina­­ta­san na kahapon ni Cal­deron ang kan­yang mga tauhan na kila­lanin o tukuyin ang mga drug ring operators na kumi­kilos sa loob ng national penitentiary para sa aga­rang pag-sakote sa mga ito.

Sinabi pa ni Cal­deron na gagawin niyang “drug free” ang NBP kung saan kabi­lang ito sa lis­tahan ng kanyang mga pro­grama para sa kaayu­san at ika­bubuti ng mga imates dito.

Kabilang din sa mga pangunahing isa­sa­ayos umano ni Cal­deron ay ang pag­tukoy sa mga suhu­lang “sin­dikato” sa loob ng NBP na uma­no’y nasa likod ng wala sa oras o iligal na paglabas sa mga selda ng ilang mga inmates at ang mga sikretong lagusan ng mga ito.

Ang nasabing hak­bang ayon pa kay Cal­deron ay upang hindi na maulit pa ang ka­halintulad na pang­yayari sa isyu ng “pag-puga” ni Jalos­jos na naging ugat upang masibak sa kanyang pwesto ang pinalitan nitong hepe ng BuCor na si Ri­cardo Dapat.

BUREAU OF CORRECTIONS

CAL

DAPAT

NEW BILIBID PRISONS

OSCAR CAL

SHY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with