^

Bansa

Pinoy sa Pakistan bawal sumama sa political rally

-

Binalaan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang lahat ng Pi­noy sa Pakistan na hu­wag lumahok sa mga political rally kasunod ng assassination kay dating Prime Minister Benazir Bhutto noong Huwebes ng gabi.

Sinabi ni DFA Un­dersecretary for Migrant Workers Affairs Esteban Conejos Jr. dapat na isagawa ng mga Pinoy sa nasabing bansa ang kaukulang pag-iingat dahil posi­bleng lumala pa ang sitwasyon doon.

Nag-isyu na ang Em­bahada ng Pilipinas ng travel warning sa mga Pinoy sa Karachi at La­hore doon, ba­gaman hindi pa naman kaila­ngan ang paglili­kas sa mga Pinoy.

Ayon kay Conejos, aabot sa 3,000 ang mga Pinoy na nani­nirahan at nagta­tra­baho sa Pakistan.

Umabot na sa 33 katao ang namama­ tay sa bansang Pakistan makaraang su­miklab ang kaguluhan at iba’t ibang riot bunsod ng pagka­ka­paslang kay  Bhutto. (Joy Cantos)

AYON

BHUTTO

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

JOY CANTOS

MIGRANT WORKERS AFFAIRS ESTEBAN CONEJOS JR.

PINOY

PRIME MINISTER BENAZIR BHUTTO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with