Nakiisa si Pangulong Arroyo sa mga World leaders sa pagkondena sa pagpatay kay dating Pakistan Minister Bena zir Bhutto.
Sinabi ni Pangulong Arroyo na ang pagpaslang kay Bhutto ay isang insulto sa demokrasya at nararapat lamang itong kondenahin ng buong mundo.
“We mourn with the nation of Pakistan over the deaths of Benazir Bhutto and others killed in the shooting and bomb attack in Rawalpindi,” wika pa ni Mrs. Arroyo.
Idinagdag pa ni PGMA, dapat magkaisa ang buong mundo sa pagkondena sa pangyayari at dapat magkaisa din ang buong mundo upang huwag pahintulutang maulit ito.
“The Philippines joins hands with the entire civilized world in solidarity against such mindless barbarity and in unwavering defense of peace, freedom, law and order,” dagdag pa ni Mrs. Arroyo.
Magugunita na dumalo sa isang rally si Bhutto kamakalawa sa Rawalpindi bilang bahagi ng kanyang kampanya sa nalalapit na Parliamentary elections sa Enero 8 nang atakihin ng isang suicide bomber. (Rudy Andal)