^

Bansa

Pagpatay kay Bhutto kinondena ni PGMA

-

Nakiisa si Pangulong Arroyo sa mga World leaders sa pagkondena sa pag­patay kay dating Pakistan Minister Bena­ zir Bhutto.

Sinabi ni Pangulong Arroyo na ang pagpas­lang kay Bhutto ay isang insulto sa demokrasya at narara­pat lamang itong konde­nahin ng buong mundo.

“We mourn with the nation of Pakistan over the deaths of Benazir Bhutto and others killed in the shooting and bomb attack in Rawalpindi,” wika pa ni Mrs. Arroyo.

Idinagdag pa ni PGMA, dapat magkaisa ang buong mundo sa pagkondena sa pang­yayari at dapat mag­kaisa din ang buong mun­do upang huwag pahintu­lutang maulit ito. 

“The Philippines joins hands with the entire civilized world in solidarity against such mindless barbarity and in unwavering defense of peace, freedom, law and order,” dagdag pa ni Mrs. Arroyo.

Magugunita na du­malo sa isang rally si Bhutto kamakalawa sa Rawalpindi bilang ba­hagi ng kanyang kam­panya sa nalalapit na Parliamentary elections sa Enero 8 nang atakihin ng isang suicide bomber. (Rudy Andal)

BENAZIR BHUTTO

BHUTTO

MINISTER BENA

MRS. ARROYO

PANGULONG ARROYO

PLACE

RAWALPINDI

RUDY ANDAL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with