^

Bansa

Sa  pagtakas ni Jalosjos: Bilibid chief sinibak!

- Nina Rose Tamayo-Tesoro at Gemma Amargo-Garcia -

Sinibak na kahapon sa kanyang pwesto bilang Bureau of Corrections (BuCor) chief si Ricardo Dapat at agad na pinalitan ito ni dating PNP chief Oscar Cal­ deron.

Nabatid sa nakalap na impormasyon na agad umanong nagbalot-balot ng kanyang mga kaga­mitan si Dapat nang ma­kaabot sa kanyang ka­alaman ang ginawang pagsibak sa kanya ng Malacañang.

Maaga pa lang kaha­pon ay nag-umpisa na itong mag-impake upang bakan­tihin ang kanyang tangga­pan para sa aga­rang pag-upo ni Calderon.

Napag-alaman na na­kasaad umano sa utos na agad lisanin ni Dapat ang kanyang pwesto sa oras na bumaba ang relieve order ng Palasyo.

Bukod sa pagkaka­sibak sa pwesto ay sa­sam­pahan din ng kauku­lang kaso si Dapat dahil sa pagpapa­baya umano nito sa tung­kulin dahilan upang mala­yang maka­labas ng National Bilibid Prison ang convicted child rapist at dating Zam­boanga del Norte congressman Romeo Jalos­jos ng dalawang beses.

Unang umalis ng NBP si Jalosjos noong Dis­yem­bre 16 subalit agad ding bumalik ito kinabu­kasan nang harangin ni Justice Sec. Raul Gon­zalez ang umano’y iligal o labag sa batas na pag­papalaya sa dating mam­babatas.

Sa ikalawang pagta­kas ni Jalosjos nitong huli ay sinabing nagkaroon umano ng “suhulan” at sabwatan sa ilang per­sonahe sa BuCor at NBP kaya walang kaabog-abog na nakatakas ito sa pambansang piitan sa Muntinlupa City at ma­kauwi sa kanyang hometown sa Dapitan, Zam­boanga del Norte. 

Samantala, posibleng sa Bilibid na magdiwang ng Bagong Taon si Jalos­jos. 

Sinabi ni Gonzalez na wala ng dahilan upang manatili pa sa Zam­boanga penal colony si Jalosjos dahil sa NBP niya talaga dapat bunuin ang kanyang sentensiya base na rin sa ilalim ng prison rules kung saan nakasaad na  ang direktor lamang ng BuCor ang maaaring mag-utos nang paglilipat ng isang bilang­go sa mga penal colonies ngunit kinakailangan pa rin aniya nito ang direk­tiba mula sa Kalihim ng DOJ. 

Pinag-aaralan na rin ng DOJ na kanselahin ang “living out privilege” na tina­tamasa ni Jalosjos pero ma­nanatili pa rin ito sa “minimum security” at hindi na papayagang makalabas ng kulungan at makalibot sa compound ng NBP.

Kasama rin aniya sa pribilehiyo na posibleng mawala kay Jalosjos ang pagpayag na makapag­laro siya ng tennis, maka­panatili sa kaniyang ba­hay sa loob ng NBP at ma­lilimitahan din ang pag­tanggap niya ng bisita.

Nilinis naman ni Gon­zalez si Dapat sa pagla­bas ng bilangguan ni Jalosjos at pag-uwi nito sa lalawigan.

Iginiit ng Kalihim na naging mahigpit si Dapat sa pagtatalaga ng mga security kay Jalosjos, lalo na nang malantad sa media ang umano’y nalalapit na paglaya ng dating mamba­batas.

Mismong si Jalosjos pa nga umano ang nagre­reklamo dahil kahit mag-gi-gym lang siya ay pina­babantayan siya sa mga gwardiya.

Kung magkakaroon man aniya ng panana­gutan sa panig ni Dapat, ito ay dahil sa kapaba­yaan nang ipagkatiwala la­mang sa kaniyang de­puty si Jalosjos noong araw na nakalabas ito ng NBP.

Inaalam na din umano ng DOJ kung ano ang isasampang kaso laban kay Jalosjos na depende sa magiging resulta nang isinasagawang imbesti­gasyon ni DOJ Under­secretary Fidel Exconde.

Nabatid na kabilang sa pinatukoy ng Kalihim kay Exconde ay kung sino ang nagpalabas ng draft copy ng release order at sino ang naghanda nito.

BAGONG TAON

DAPAT

JALOSJOS

KALIHIM

SHY

ZAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with