^

Bansa

Reward money vs killer ng broadcaster, P1-M na!

-

Dinagdagan pa ni Da­vao City Mayor Rodrigo Duterte ng P500,000 ang reward money para sa aga­rang paglutas sa kaso nang pagpatay kay radio broadcaster Ferdie Lin­tuan.

Ayon kay Duterte, mula sa dating P500,000, nasa P1 milyon na ngayon ang pabuya para sa impormas­yon na makapagtuturo sa kinaroronan ng mga sus­pek at ang natitira pang ka­lahating  milyong piso pa ay para naman sa mga ope­ratiba na unang ma­kakalu­ tas sa nasabing kaso.

Samantala, isang taon matapos magretiro sa AFP si ret. Major Gen. Jovito Pal­paran ay muli na na­mang lumutang at naging kontrobersyal ang panga­lan nito kamakailan.

Ayon sa isang military official sa Region XI na tu­mangging magpakilala, dapat rin umanong imbes­tigahan si Palparan kaug­nay sa pagkamatay ni Lintuan.

Ayon sa naturang opis­yal, dalawang linggo na umano ang nakararaan nang tumanggi ang mga opisyal ng PNP at AFP sa Davao na magtungo doon si Palparan upang umano mag-operate.

Si Palparan ay sinasa­bing consultant ngayon ni Davao City Congressman Boy Nograles.

Matatandaan na noong nasa serbisyo pa si Palpa­ran ay iniuugnay ang pa­ngalan nito sa mga pag­dukot at pagpatay  sa mga miyembro ng militanteng grupo at maging ng ilang mediamen.

Nangako naman si PNP Chief Gen. Avelino Razon Jr. na titingnan ang lahat ng anggulo pati na ang ulat hinggil sa umano sinasabing pag-operate ni  Palparan sa Davao. (Mer Layson)

AVELINO RAZON JR.

AYON

CHIEF GEN

CITY MAYOR RODRIGO DUTERTE

PALPARAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with