^

Bansa

DOH, ospital handa na sa mga biktima ng paputok

-

Puspusan na ang gi­ na­gawang paghahanda nga­yon ng Department of Health (DOH) at ng mga government hospitals sa bansa kaugnay nang ina­asahang pagdagsa ng mga posibleng mabiktima na naman ng mga papu­tok dahil sa nalalapit na pag­salubong ng samba­yanan sa Bagong Taon.

Daan-daang medical personnel ang naka-stand­­by at handang umak­syon sa anumang oras upang tumugon sa mga emergency cases na posibleng maganap dahil sa nasa­bing pagdiriwang.

Sa Philippine General Hospital (PGH) pa la­mang umano ay 60 medical  personnel na ang nakaanta­bay at mayroon umanong kumpletong mga equipment upang gamutin ang mga ina­asahang magiging pas­yente nila.

Sa kasalukuyan ay may­roon na umanong na­italang isang stray bullet victim sa PGH at isang bata na nasugatan sa pis­ngi dahil naman sa watusi o dancing firecracker.

Nauna rito, inihayag na ng DOH-National Epidemiology Center (NEC) na  mula Disyembre 21 ay nakapagtala na sila ng 15 kaso ng firework-related injuries.

Sa nabanggit na bi­lang ay tatlo umano ang paslit at 11 naman ang pawang  mula sa Metro Manila ha­bang ang iba pa ay mula naman sa Western  Visa­yas at Northern Mindanao.

Paulit-ulit namang na­nanawagan si Health Secretary Francisco Du­que III sa publiko na iwasan na ang paggamit ng paputok upang ma­kaiwas rin sila  sa anu­mang aksidente at pin­sala.

Aniya, maaari namang gu­mamit ng mga alternati­bong bagay upang maka­pag-ingay at maging ma­saya ang pagsalubong sa Ba­gong Taon. (Doris Franche)

vuukle comment

BAGONG TAON

DEPARTMENT OF HEALTH

DORIS FRANCHE

HEALTH SECRETARY FRANCISCO DU

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with