^

Bansa

Jalosjos bulukin

-

“Bulukin si Jalosjos sa kalaboso.”

Ito ang iginiit ng mili­tanteng party-list representative ng kilusang GABRIELA na si Liza Masa ka­sa­bay ng pana­wagan kay Pre­sidente Gloria Macapa­gal- Arroyo na bawiin ang commutation na iginawad ng huli sa double life sentence ni dating Zam­boanga del Norte Rep. Rep. Romeo Jalosjos.

Si Jalosjos na sinen­tensyahan da­hil sa sa­lang pang­gagahasa sa isang minor de edad ay muling inaresto ng pulis­ya sa  Dapitan, Zam­boanga del Norte ilang oras ma­ta­pos ma­­iulat na ito’y palihim na lumipad lulan ng isang private plane kasunod ng “pag­takas” diumano sa pam­bansang piitan sa Mun­tinlupa.

Ayon kay Masa na pa­ngunahing advocate ng kapakanan ng mga kaba­baihan, ang pag­puga ni Jalosjos sa pambansang piitan ay katunayan na hindi ito karapat­dapat na pata­wari­n sa kan­yang pagkaka­sala.

Noong nakalipas na ling­go, ini­ulat na nagpa­la­bas ng release order ang Bureau of Corrections para sa paglaya ni Jalosjos pero ito’y agad sina­lungat ng Malaca­ñang na nagsabing base sa iginawad na commutation of sentence ng Pa­ngulo, makalalaya la­mang si Jalosjos sa taong 2009.

Sa kabila nito, iginiit ni Jalosjos na siya ay isa nang “free man” at ang kanyang pagkakaaresto ay labag sa batas. Balak din umano niyang mag­sampa ng demanda sa mga  umaresto sa kanya kasama si Reg. 9 Philippine National Police Di­rectror  Chief Supt. Jaime Caringal.

Sinabi naman ni DOJ Secretary  Raul Gonzalez na ikinukonsiderang pu­gante si Jalosjos dahil ang naturang release order ay “null and void” o walang bisa dahil hindi awtorisado ng Malaca­ñang. Ganyan din ang pahayag ni PNP Chief Avelino Razon na nagsa­bing hindi kaila­ngan ang isang warrant of arrests sa paghuli ng isang pu­gante o takas na bilang­go.

Kaugnay nito, pinag-aaralan na ng PNP ang pagsasampa ng paniba­gong kaso laban kay Jalosjos matapos nitong labagin ang batas nang lumabas sa kani­yang detention cell sa New Bilibid Prisons at umuwi na nagbunsod upang ares­tuhin ito muli kamakalawa sa kanilang lugar sa Dapitan  City sa Western Mindanao.

Ayon kay Razon, bi­nigyan na niya ng direk­tiba ang PNP Legal Division at PNP-Criminal Investigation and Detection Group na kumpletuhin ang mga dokumento sa pagsasampa ng paniba­gong asunto laban sa dating solon.

Kasabay nito, ipinag-utos ni  Razon ang pag­hihigpit ng seguridad sa Zamboanga Penal colony upang makatiyak na hindi makakatakas ang convicted rapist na si Jalosjos.

Sinabi ni Razon na bi­nigyan na niya ng direk­tiba si Caringal para ban­tayang mabuti si Jalosjos.

Ang hakbang ay sa gitna na rin ng  imbesti­gasyon ng Department of Justice sa hinihinalang pagsasabwatan ng ilang opisyal ng NBP para makatakas si Jalosjos at makauwi sa bayan nito sa Zamboanga del Norte.

Sa kasalukuyan, ayon sa PNP Chief, wala pang abiso ang DOJ kung ka­lian ibabalik sa NBP si Jalosjos.

Dahil dito, posibleng sa Zamboanga Penal Colony na magdiwang ng Pasko si Jalosjos mata­pos itong maaresto.

Para naman kay da­ting BuCor Director Vi­cente Vinarao, kaila­ngang  ipagharap ng ka­song administratibo ang humalili sa kanya sa puwesto na si Ricardo Dapat dahil sa pagkabigo nitong masubaybayan ang mga galaw ni Jalos­jos na nagawang makala­bas ng bilangguan noong Sabado. 

Sinabi ni Vinarao sa isang panayam sa radyo na, kahit minimum security risk si Jalosjos, dapat sanang namonitor ang mga galaw nito.

Winalambahala rin ni Vinarao ang akusasyon ni DOJ Secretary Raul Gonzalez na nagkamali siya ng komputasyon sa petsa ng dapat na pag­laya ni Jalosjos.Idiniin niya na si Gonzalez ang may kapangyarihang mag­takda ng petsa.

Sinasabi ni Gonzalez na, batay sa sarili niyang pagkukuwenta, sa Hulyo 2009 pa lalaya si Jalos­jos. Mali ang naunang pagtataya ni Vinarao na December  16, 2007 ma­ka­kalabas ng bilangguan ang dating kongresista.

Gayunman, nais uma­no ng mga kamag-anak ni Jalosjos na mailipat siya sa rest house ni da­ting Pangulong Joseph Estrada sa Tanay, Rizal.

Ayon kay Gonzalez, nakatanggap siya ng impormasyon na may­roong problema si Jalos­jos kay Dapat kaya nais ng dating Kongresista na mailipat ito sa ibang lugar.

Subalit sa kabila ng sina­sabing problema na namamagitan kay Jalos­jos at Dapat ay tumanggi naman ang Kalihim na pagbigyan ang kahilingan ng una na mailipat ito sa dating kinalalagyan ni Erap.

Nilinaw ng kalihim na labas sa hurisdiksyon ng BuCor ang Tanay. Nasa ilalim anya ito ni Department of Interior and Local Government Sec. Ronaldo Puno pero hindi papayag ang kalihim na mailipat doon si Jalosjos.

vuukle comment

JALOS

JALOSJOS

SHY

VINARAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with