^

Bansa

Tipster ni Janjalani instant  millionaire

-

Biglang milyunaryo ang isang sibilyang tipster ng militar  matapos itong tumanggap ng P10 milyong reward dahil sa kanyang posi­tibong impormasyon na nagbunsod sa pagkaka­sugpo kay Abu Sayyaf Chieftain  Khadaffy Jan­jalani na napatay sa engkuwentro sa Sulu noong 2006.

Ito ang kinumpirma kahapon ni Armed For­ces of the Philippines-Western Command Commander Major Gen. Nelson Allaga.

Ayon kay Allaga, bandang alas-10:00 ng umaga kamakalawa ay iginawad nila ang reward sa tipster ni Jan­jalani.

Si Janjalani na kilala rin sa alyas na DAF at Pek ay napaslang sa engkuwentro sa tropa ng militar sa Patikul, Sulu noong Setyembre 24, 2006 kung saan ang bangkay nito ay nahu­kay noong Disyem­bre 27 ng nasabi ring taon sa pagitan ng kabun­dukan ng Patikul at Jolo ng lalawigan.

Noong Enero 20, 2007 ay kinumpirma naman ni AFP Chief of Staff Gen. Hermogenes Esperon Jr. base sa resulta ng DNA test na isinagawa ng mga forensic expert ng Federal Bureau of Investigation na positibong si Janja­lani ang nahukay na bangkay matapos na pagkumparahin ang sample tissue sa naka­ku­long nitong kapatid na si Hector  Janjalani.

Si Khadaffy ang hu­malili sa kapatid nitong si Ustadz Abubakar Ab­du­rajak Janjalani, foun­der ng Abu Sayyaf na napaslang naman sa pakikipag-engkuwentro sa mga operatiba ng pu­lisya sa Isabela, Basilan noong Disyembre 18, 1998.

Idiniin ni Allaga  na ang kanilang pagkaka­loob ng  reward ay pa­tunay lamang na hindi nagpapabaya ang pa­ma­halaan sa pagbibi­gay halaga sa makabu­luhang partisipasyon ng   mga sibilyan sa pagpa­pa­natili ng kapayapaan sa buong bansa parti­kular na sa kampanya laban sa terorismo.

Kaugnay nito, tiniyak ni  Allaga sa lahat ng nag­nanais maging im­pormante ng militar na  bibigyan nila ang mga ito ng seguridad gayun­din ang kanilang mga pamilya.

Magugunita na nag­palabas  ang pamaha­laan ng United States ng  $5 milyong reward ka­palit ng pagkakaaresto sa mga top leaders ng Abu Sayyaf na pinamu­munuan ng napatay na si Janjalani.  Ang nasa­bing reward ay bukod pa sa gantimpalang inilaan ng pamahalaan ni Pa­ngu­long Arroyo. (Joy Cantos)

ABU SAYYAF

ALLAGA

JANJALANI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with