^

Bansa

Pagtulong sa kapwa dapat  manaig ngayong Pasko

-

Layunin ni Manila Arch­­bishop Gaudencio Cardi­nal Rosales na mas ma­naig ngayong Pasko ang pagtulong sa kapwa at ang pagtaas ng ekono­miya ng bansa para na rin sa mga mahihirap na  Fili­pino.

Ayon kay Rosales, pi­nagdarasal niya ngayong Pasko na unahin ng pa­ma­halaan ang mga mahi­hirap  kung  gusto nito ang tunay na kapayapaan.

Pinaalala ni Rosales sa pamahalaang Arroyo  ang Christian principle na kung may limitasyon ang pagkakaloob ng hustis-ya, wala naman umanong limitasyon ang pagbibi­gay ng pagkakawang­gawa.

Naniniwala si Rosa-les na kung mangingiba­baw ang pagkakawang­gawa kaysa  hustisya  ma­­­raramdaman ng ba-wat Fi­lipino ang  tunay na diwa ng Pasko.

Kaugnay nito, sinabi din ni Rosales na hindi rin dapat na gawing propa­ gan­da ng  sinuman ang mga mahihirap  at pami­migay ng  regalo para sa kanilang mga personal  na interes.

Aniya, hangga’t maa­ari ay dapat na isanta­ bi  ng mga pulitiko ang ka­nilang traba­ho sa tunay na pagtu­long sa mga ma­­hi­hirap. (Doris Franche)

ANIYA

DORIS FRANCHE

GAUDENCIO CARDI

MANILA ARCH

PASKO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with