Xmas terror attack!
Todo-bantay ngayon ang pinagsanib na pwersa ng pulisya at militar sa tinaguriang “financial district” ng bansa, ang Makati City pati na ang iba’t ibang mga embahada rito dahil sa ulat na posibleng pag-atake ng mga terorista.
Ang nasabing hakbang ay matapos na maalarma ang publiko sa inilabas na impormasyon at travel advisory kamakalawa ng gabi ng Australian Embassy sa Makati City na nakatanggap umano ang nasabing emba hada ng mga “credible report” hinggil sa planong pag-atake sa bansa ng mga terorista ngayong Kapaskuhan.
Kabilang umano sa planong atakihin ng mga terorista ang mga lugar na malimit puntahan ng mga foreigners, mataong lugar gaya ng mga shopping malls, embassies, expatriate housing complexes, hotels, guest houses, clubs, restaurants, bars, pubs, movie thea tres, schools, places of worship, tourist areas, fastfood outlets, markets at outdoor recreation and major sporting events, mga government vital installa tions, public transport, airports, seaports, railways at oil depots.
Nabatid na isasailalim ng Philippine National Police sa high alert status ang buong bansa partikular na ang Metro Manila da-hil na rin sa nasabing ulat.
Mas paiigtingin din umano ang pagbabantay sa seguridad partikular ngayong Disyembre 26 sa araw ng founding anni versary ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) at Disyembre 30 ang petsa ng madu gong Rizal Day bombing noong taon 2000 sa LRT.
Kaugnay nito, pinag-iingat din ng pulisya ng doble ang publiko at pinapakiu sapan ang mga ito na lalong maging vigilan-te o mapagmatyag sa paligid at agad na makipagkoordinasyon sa kanila sakaling may mapansin na mga kahina-hinalang bagay o tao sa paligid upang hindi na maulit pa ang nasabing trahedya.
Nabatid na sa ngayon pa lang ay doble at todo-bantay na ang seguridad sa lahat ng mga LRT at MRT stations sa Metro Manila.
- Latest
- Trending