^

Bansa

MMDA nagpaalala sa basura ngayong Kapaskuhan

-

Walang magaganap na krisis sa basura ngayong holi­day season kasabay ng pana­wa­gan sa mamamayan na maging responsable sa pagta­tapon ng kanilang basura.

Nabatid kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Bayani Fer­nando, inaasahan na ng ka­nilang ahensiya ang tone-tone­ladang basura ngayong pana­hon ng Kapaskuhan, partikular sa mga lugar na dinarayo ng mga mamimili tulad ng Divisoria, Baclaran, Balintawak at mga malalaking malls kaya’t nakipag-ugnayan na siya sa mga pinuno ng local na pamahalaan na siguruhin ang pagkolekta ng kani-kanilang contractors.

Sinabi ni Fernando na maka­titiyak ang mga residente sa bawat lungsod na regular ang magiging koleksiyon ng basura sa pagdiriwang ng Kapaskuhan kaya’t walang mga lugar na magkakaroon ng ga-bundok na basura tulad ng mga nangyari noong mga nagdaang taon.

“We have secured commit­ments from local officials and pri­ vate garbage haulers to col­lect gar­bage after Christmas and New Year,” pahayag ni Fernando.

Sinabi pa ni Fernando na naki­pag-ugnayan na rin ito sa mga opisyal ng Rizal Province at Navotas City na siyang na­ngangasiwa sa mga basura sa Metro Manila na i-accommodate ang  Metro Manila garbage.

Nabatid na karaniwang du­mo­doble ang nakokolektang basura sa Metro Manila pag­sapit ng buwan ng Disyembre, mula sa ordinaryong 3,000 hang­gang 4,000 tons na basura sa mga regular na araw ay uma­abot ito ng hanggang 5,000-6,000 tons kapag Disyembre.

Nagbanta naman ang mga opisyal ng local na pamahalaan sa mga magtatapon ng basura sa lansangan ng wala pang nag­daraang garbage truck,  na mag­­diriwang sila ng Pasko sa kulungan sa oras na mahuli ng Environmental ang Sanitation officers. (Lordeth Bonilla)

BASURA

CHAIRMAN BAYANI FER

CHRISTMAS AND NEW YEAR

DISYEMBRE

FERNANDO

METRO MANILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with