LPG nagrolbak uli ng P5.50
Muling nagbawas ng 50 sentimos kada kilogram sa halaga ng liquified petroleum gas ang LPG Marketers Association at inaasahan na bababa pa sa mga susunod na araw bago sumapit ang Bagong Taon.
Ayon kay Arnel Ty, pangulo ng LPGMA, ang price adjustment ay simula madaling araw ngayong Sabado.
“Price reduction is equivalent to P5.50 for every 11-kilogram tank, which currently retails for as much as P600,” pahayag ni Ty.
Naniniwala si Ty na patuloy na ang pagbaba ng halaga ng LPG hanggang buwan ng Abril 2008. Inaasahan pa nila ang pagbaba ng presyo nito sa kaagahan ng Enero sa susunod na taon kaya posibleng magkakaroon pa sila ng pagbaba ng presyo sa mga susunod na linggo.
Bumaba ang presyo ng LPG sa World Market ng may $53 sa bawat metric tons ng LPG. Naibebenta ito dati sa presyong $840 at ngayon ay naibebenta sa halagang $790. (Angie dela Cruz/Edwin Balasa)
- Latest
- Trending