^

Bansa

84 luxury cars hinarang ng PASG

-

Ni-raid ng mga ahen-te ng Presidential Anti-Smuggling Group (PASG) ang isang kompanya na hinihinalang sangkot sa ilegal na pag-aangkat ng mga imported na mama­haling sasakyan kahapon ng umaga sa Makati City.

Nabatid kay Underse­cretary Antonio Bebot Villar, hepe ng PASG, may hawak silang Warrant of Siezure and Detention nang pasukin ang Auto Sports 24 Corp sa 2320 Pasong Tamo, Makati City kung saan 84 na mga imported na luxury cars ang natagpuan.

Sa kabuuang 84 na mga sasakyan, 81 rito ang napatunayan na walang kaukulang dokumento,  na magpapatunay na ilegal ang ginawang pag-aang-kat sa ibang bansa.

Sinabi ni Villar na pag­pa­paliwanagin niya ang mga magagaling na perso­nalidad na hinihinalang sangkot sa sindikato ng smuggling ng mga impor­ted vehicle subalit tumang­gi naman siyang panga­lanan kung sino ang  kan­yang mga tinutukoy.

Kabilang sa mga na-isyuhan ng warrant and seizure detention ng PASG ang isang Lamborghini,    21 BMWs, 16 Mercedez Benz, 11 Porsche sports   cars, 4 Jaguar, 3 Volvo, Fer­rari, Carera, Boxter, Land Crui­ser, Range Rover, Che­rokee  at isang Mini Cooper.

Napag-alaman na bi-ha­sa sa pagkukumpuni   ng mga luxury vehicle   ang naturang auto sports   shop, na kinakatawan    na­man ng isang Nadji    Ka­sauf na isa sa mga   ban­yagang opisyal ng kom­panya.

Sa kabila nito’y binig­ yan pa rin ni NBI Deputy Director Atty. Edmund Aru­gay ang mga may-ari nang sinamsam na luxury cars na mag-prisinta ng kani­ lang kaukulang dokumen­to bago tuluyang kumpis­kahin ito. (Lordeth Bonilla/Rudy Andal)

ANTONIO BEBOT VILLAR

AUTO SPORTS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with