Bilang pagbibigay diwa sa kapaskuhan, na paaga ang pagpapalaya sa 53 Magdalo officers na sangkot sa Oakwood mutiny noong 2003 matapos iutos ni Pangulong Arroyo na palabasin na ang mga ito sa kanilang kulungan. Ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Hermogenes Espe ron Jr., nagpakita umano ng kabutihang-asal ang mga ito kaya sa halip na sa darating na Enero 27, 2008 pa lalaya ay inagahan ito para makapiling nila ang kanilang pamilya ngayong Pasko.
Kabilang din dapat sa lalaya si 1st Lt. Patricio Bumidang pero kailangan nitong manatili sa kanyang detention cell dahil tumatayo siyang state witness sa kasong sibil na ipinupursige ng gobyerno laban sa mga hardcore leaders ng mga mutineers na pinamumunuan ni Sen. Antonio Trillanes IV.
Una nang pinatawan ng 7 taong pagkakaku long ng AFP-General Court Martial ang mga opisyal na dinismis rin sa serbis yo militar bago pa man ang mga ito magkipag-plea bargain sa gobyerno.
Samantala, 29 pa sa core leaders ng Magdalo na kinabibilangan nina Trillanes, Capts. Gerardo Gambala at Milo Maestre campo ang nananatili pa ring nakakulong. (Joy Cantos/Lordeth Bonilla)