^

Bansa

53 Magdalo officers pinalaya na

-

Bilang pagbibigay diwa sa kapaskuhan, na­ paaga ang pagpapa­laya sa 53 Magdalo offi­cers na sangkot sa Oak­wood mu­tiny noong 2003 matapos iutos ni Pangu­long Arroyo na palabasin na ang mga ito sa kani­lang kulungan. Ayon kay  AFP Chief of Staff Gen. Hermogenes Espe­ ron Jr., nagpakita umano ng kabutihang-asal ang mga ito kaya sa halip na sa da­rating na Enero 27, 2008 pa lalaya ay inaga­han ito para makapiling nila ang kanilang pamilya nga­yong Pasko.  

Kabilang din dapat sa lalaya si 1st Lt. Patricio Bumidang pero kailangan nitong manatili sa kan­yang detention cell dahil tumatayo siyang state witness sa kasong sibil na ipinupursige ng gobyerno laban sa mga hardcore leaders ng mga muti­neers na pinamumunuan ni Sen. Antonio Trillanes IV.

Una nang pinatawan ng 7 taong pagkakaku­ long ng AFP-General Court Martial ang mga opisyal na dinismis rin sa serbis­ yo militar bago pa man ang mga ito magkipag-plea bargain sa gobyerno. 

Samantala, 29 pa sa core leaders ng Magdalo na kinabibilangan nina Trillanes, Capts. Gerardo Gambala at Milo Maestre­ campo ang nananatili pa ring nakakulong.  (Joy Cantos/Lordeth Bonilla) 

ANTONIO TRILLANES

CHIEF OF STAFF GEN

GENERAL COURT MARTIAL

GERARDO GAMBALA

HERMOGENES ESPE

JOY CANTOS

LORDETH BONILLA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with