^

Bansa

P10K bonus ng government workers bitin

-

Bitin ang ipinalabas ng Malacañang na budget para sa performance bonus para sa lahat ng mga empleyado ng gobyerno dahil sa halip na P10,000 gaya ng ipina­ngako ni Pangulong Arroyo ay ina­nunsiyo ka­hapon ni Budget Secretary Rolando Andaya Jr., na P7,000 bonus na lamang ang kani­lang ma­ibibigay at ang karag­dagang P3,000 ang baba­likatin ng mga ki­nauuku­lang ahensya ng gob­yerno kung may pondo ang mga ito.

“All employees of national government, whe­ther permanent or contractual or casual will get a P7,000 bonus. The additional P3,000 depend on the savings of their respective agencies,” wika pa ni Sec. Andaya.

Dahil dito, wala pa ring katiyakan kung matatang­gap ng PNP at AFP ang ipinangakong P10,000 performance bonus.

Ayon kay PNP Chief Director General Avelino Ra­zon Jr., wala silang pon­do sa kasalukuyan pero pipilitin nilang ma­ibigay ang karagdagang P 3,000 pondo para sa naturang ipa­mamaha­ging performance bonus ng mahigit sa 120,000 opis­yal at miyembro ng pu­lisya.

Ipinaliwanag naman ni PNP spokesman Chief Supt. Samuel Pag­dilao na kung walang pondong makuha bago magtapos ang taon ay P7,000 la­mang na galing sa national government ang kanilang maibibigay na performance bonus.

“Pag walang savings na ma-generate ang PNP until the end of the year, P7,000 lang yung bonus ng mga pulis,” ani Pag­dilao.

Sa panig naman ng AFP, sinabi ni Lt. Col. Bar­tolome Bacarro, Chief ng AFP-Public Information Office na sa kasalu­kuyan ay hindi pa nila tiyak kung ma­ tutu­gunan ng pondo ng ka­nilang hukbo na ma­ibigay ang karagdagang pondo para sa perform­ance bonus ng mga sun­dalo.

Gayunman, ayon kay Bacarro, magpapasala­mat na sila sa anumang grasya maging P 7,000 o P10,000 pa ang ma­tang­gap na performance bonus ng kasun­daluhan sa buong bansa. 

Ang mga empleyado sa local government units ay hindi kabilang sa ta­tanggap ng performance bonus na ito dahil sakop sila ng Internal Revenue Allotment (IRA). (Rudy Andal/Joy Cantos)

BACARRO

BONUS

BUDGET SECRETARY ROLANDO ANDAYA JR.

CHIEF DIRECTOR GENERAL AVELINO RA

CHIEF SUPT

INTERNAL REVENUE ALLOTMENT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with