60,000 Muslim dadalo sa EID’L ADHA

Hindi kukulangin sa 60,000 Muslim ang da­dalo sa pagdiriwang ng Eid’l Adha o Muslims Sacrificial Festival Congregational Prayer na mag­sisimula sa pagsikat ng araw paharap sa Silangan ngayong Disyembre 19 ng alas-6:30 ng umaga sa Quirino Grandstand sa Rizal Park.

Ang taunang sele­brasyong ito ng mga kapatid na Muslim sa buong mundo, ang petsa o araw ay ibinabase nila sa kanilang Hijrah Calendar. Bukod sa su­mi­sim­bolo sa katapatan ng mag-amang Ibrahim at Ismail na ipinag-uutos ni Allah, ay sumasagisag ito para sa panalangin sa kapayapaan di lamang sa mga Muslim kundi sa pagkakaisa at pagma­mahalan ng sangka­tauhan na sumasamba sa limang Diyos.

Ang ibig sabihin ng Eid’l ay festival at ang Adha ay sacrifice, ayon kay Imam Aleem Said Ahmad Basher, chairman ng Imam Council of the Philippines, Inc. sa pa­ngunguna ng pangulo nito na si Prof. Mahdi Basher. Si Agama Director Imam Aleem Said Basher ang magsasagawa ng misa at paliwanag sa Muslim brothers hinggil sa kaha­lagahan ng sagradong kapaniwalaan ng mga Muslim ukol sa nilalaman ng Holy Qar’an.

Show comments