60,000 Muslim dadalo sa EID’L ADHA
Hindi kukulangin sa 60,000 Muslim ang dadalo sa pagdiriwang ng Eid’l Adha o Muslims Sacrificial Festival Congregational Prayer na magsisimula sa pagsikat ng araw paharap sa Silangan ngayong Disyembre 19 ng alas-6:30 ng umaga sa Quirino Grandstand sa
Ang taunang selebrasyong ito ng mga kapatid na Muslim sa buong mundo, ang petsa o araw ay ibinabase nila sa kanilang Hijrah Calendar. Bukod sa sumisimbolo sa katapatan ng mag-amang Ibrahim at Ismail na ipinag-uutos ni Allah, ay sumasagisag ito para sa panalangin sa kapayapaan di lamang sa mga Muslim kundi sa pagkakaisa at pagmamahalan ng sangkatauhan na sumasamba sa limang Diyos.
Ang ibig sabihin ng Eid’l ay festival at ang Adha ay sacrifice, ayon kay Imam Aleem Said Ahmad Basher, chairman ng Imam Council of the Philippines, Inc. sa pangunguna ng pangulo nito na si Prof. Mahdi Basher. Si Agama Director Imam Aleem Said Basher ang magsasagawa ng misa at paliwanag sa Muslim brothers hinggil sa kahalagahan ng sagradong kapaniwalaan ng mga Muslim ukol sa nilalaman ng Holy Qar’an.
- Latest
- Trending