NPA ayaw ng ceasefire
Ibinasura kahapon ng mga rebeldeng New People’s Army ang ideya ng pagdedeklara ng tigil-putukan sa kanilang hanay bilang pagbibigay diwa sa pagdiriwang ng kapaskuhan.
Ayon kay Communist Party of the Philippines-New People’s Army Spokesman Gregorio “Ka Roger” Rosal, isang malaking kalokohan at palabas lamang umano ang 22 araw na idineklarang unilateral ceasefire ng gobyerno ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo para tugunin ito ng kanilang kilusan.
Gayundin, binatikos rin ni Rosal ang tatlong taong ceasefire na iminungkahi ni Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Gen. Hermogenes Esperon Jr. dahil katawatawa umano ito at panlalansi lamang sa hanay ng rebolusyonaryong kilusan. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending