Ang paggamit ng natural gas sa mga tricycle ang nakikitang alternatibong paraan ng isang kompanya matapos ang sunud-sunod na pag-akyat ng presyo ng krudo sa bansa
Sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya ng Energtek ay may kakayahang mapapatakbo nito ang mga traysikel gamit ang natural gas sa halip na gasolina, na ang kasalukuyang presyo ay P45 kada litro gayung ang natural gas ay nagkakahalaga lamang ng P20 kada litro.
Ayon kay Jo Magcale, representative ng Energtek sa bansa, malaking benepisyo ang maibibigay ng natural gas sa mga tricycle driver at operators particular ang mga gumagamit ng 2 stroke na traysikel.
Plano din ng Energtek matapos ang kanilang incentive conversion program sa mga traysikel ay isusunod nila ang mga dyip, bus at taxi. (Doris M. Franche)