Wala raw kudeta sa Pasko

Nagpahayag kaha­pon ng kumpiyansa si Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Gen. Hermogenes Espe­ron na walang magaga­nap na kudeta sa pag­diriwang ng kapaskuhan sa bansa.

Ayon kay Esperon, hindi na makapanggu­gulo ang mga rebeldeng sundalo na kasamahan ng ngayo’y si Senador Antonio Trillanes IV dahil wala na ang mga itong suporta sa tropa ng militar na aktibo sa serbisyo matapos naman ang bigong tangkang kudeta ng mga ito noong naka­raang buwan. (Joy Cantos)

Show comments